Tuesday, March 24, 2009
pag binalot ng buwan ang mundong ibabaw
Pag ang buwan na ang bumalot sa mundong ibabaw takbo ng buhay ay naiiba, dyan nagsisislabasan mga pangarap na makikita sa lansangan, mga ilaw na nag gagalawan mga kabataang nag lalaro sa gitna ng kalsada na tila ang kalsada ay isang palaruan. Pag binalot na ng buwang ang mundong ibabaw duo'y makikita mga dinaramdam , mga pangarap na hinde natuloy at nauwe hinde lang sa pagkabigo kundi sa pagka galit sa mundo. Iba't ibang tao iba't ibang mithiin ang nakikita sa pag balot ng buwan sa mundong ibabaw. Pag ang buwan ang bumalot sa mundong ibabaw, doon makikita ang payapa na daloy ng liwanag ng buwan na syang nag bibigay pag asa sa mga taong bigo sa buhay man o pag-ibig sa mga taong nawalan na ng destinasyon kung san patutungo sa mga taong inakap na ng dilim ang kinabukasan. Sa pag balot ng buwan sa mundong ibabaw atin syang akapin at salubungin pasalamatan sa pag bigay ilaw sa mga gabing tayo ay nasa dilim sa mga gabing nag iisa tayo at nangangapa ng liwanag. Atin syang tanggapin ang liwanag na syang pangako ng Poong Maykapal sa pag bibiyaya sa atin ng liwanag sa dilim
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment