Friday, May 29, 2009

Sino ang may sala?

Napanood ko ang buong litis ng Hayden Kho~Katrina Halili issue sa senado ng Pilipinas. Habang tumatagal ang pag lilitis eh nakakaramdam ako ng awa kay Hayden Kho. Ako man eh babae alam kong alam natin na walang dapat sisihin dahil silang dalawa ang may kagagawan nito. Kung siguro hinatak ni Hayden si Katrina at tinali yun siguro eh maling mali na. Subalit sila ay nasa parehong edad na pwede nang maka boto sila ay parehong nasa tamang edad na para mag-isip wala tayong dapat na isisis at ibato sa kanino man. Merong apat na video kay katrina sa apat eh tatlo dun ay alam nya na kinukuhanan sya. Pero ang tanong eh kung yung tatlo eh kinukuhanan sya may posibilidad na sa mga susunod na mga 'gawain' nila ay pwede ulit gawin yun ni Hayden kay Katrina. Una sa lahat kung walang pumayag eh walang mangyayari. Alam ng babae na si Dr. Hayden Kho ay isang lalakeng 'commited' sa doctora na syang nag papaganda at nag aayos kay Katrina Halili, bakit pumatol pa si Katrina kay Hayden. Si Dr. Hayden Kho naman bakit pa pumatol sa pagka rami raming mga babae at kinukuhanan ng video at di man lang burahin ang mga video. Walang dapat sisihin sa dalawa walang dapat hatulan o idemanda walang dapat mapatawan ng kung ano mang hustisya na hinihingi ng kung sino dahil alam nila ang ginawa nila. Pareho nilang ginawa walang napilitan sa kung ano man.
Sana eh wag ng patulan ng senado ang ganitong issue gumawa na lang ng maayos na batas at isauli na ang mga ninakaw nila sa taong bayan hinde sa kung saang mga walang kwentang bagay nila ilalagay ang oras.

Sa mga senador na sobrang nag papa lapad ng papel eh sana naman po eh alam nyo kung ano ang sinasabi nyo hinde yung tira kayo ng tira na kung ano ano.

Salamat po....

No comments: