Tuesday, March 24, 2009

Ano ang kwento mo

May kwento ako..
Ano nakikita mo pag gabi , hinde multo o engkanto kundi mga taong iba't ibang pangarap at kulay ng buhay. Andyan ang mga mag kasintahan na masayang nag lalakad pauwi, mga mag aaral na naka uniporme pa lalo na ang mga narsing , andyan ang mga construction worker na nag papahinga sa tabi ng kalsada at nag kakatuwaan. May mga batang lansangan na nasa isang gilid at nakahiga kumot nya'y kanyang braso na syang tangi nyang panlaban sa ginaw at sakit ng higaan. Andyan din ang mga namamasukan sa call center na papasok pa lang ay nag hihikab na, May mga kainan na 24 oras na bukas na syang pinupuno ng mga banyaga, mag-aaral na nag rereview at mga taga call center. Nabanggit ko na ba ang mga bar na kahit na anong sabihin ng pamahalaang gloria na tayo ay nakaka danas ng crisis puntahan mo ang mga bar gabi-gabi at lalo na sa Biyernes Sabado at Linggo doo'y makikita mo na punong puno ng tao ang naturang establishimento.Ano ang napapansin mo sa gabi?

Ano ang kwento mo??

No comments: